1 Chronicles 1:32
Ang mga anak na lalaki ni Ketura, ang babae ni Abraham, ay sina Zimran, Jocsan, Medan, Midian, Isbak at Sua. Ang mga anak na lalaki ni Jocsan ay sina Sheba at Dedan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
31Jetur, Nafis at Kedema. Ito ang mga anak na lalaki ni Ismael.
Cross References
Genesis 37:28Dumaan ang mga mangangalakal na Midianita. Inihaon si Jose ng kanyang mga kapatid at iniakyat pataas mula sa balon. Ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita para sa dalawampung pirasong pilak. Dinala si Jose ng mga Ismaelita sa Ehipto.
Numbers 22:4Sinabi ng hari ng Moab sa nakakatanda ng Midian, “Kakainin nitong napakaraming ang lahat ng nakapaligid sa atin gaya ng panginginain ng isang kapong baka sa mga damo sa isang bukirin.” Ngayon si Balak na lalaking anak ni Zippor ang hari ng Moab sa panahong iyon.
Numbers 31:2“Ipaghiganti mo ang mga tao ng Israel laban sa mga Midianita. Matapos mong gawin iyon, mamamatay ka at maititipon sa iyong mga tao.”
1 Kings 10:1Nang mabalitaan ng reyna ng Seba ang katanyagan ni Solomon tungkol sa pangalan ni Yahweh, pumunta siya para subukin si Solomon sa pamamagitan ng mga mahihirap na tanong.
Psalms 72:10Magbigay nawa ng handog ang mga mga hari ng Tarsis at ng mga isla; mag-alay nawa ng mga handog ang mga hari ng Sheba at Seba.
Isaiah 21:13Isang kapahayagan tungkol sa Arabia. Pinapalipas ninyo ang gabi sa disyerto ng Arabia, kayong mga karawan ng taga-Dedan.