1 Chronicles 10:7
Nang makita ng bawat Israelitang nasa lambak na tumakas sila, at patay na si Saul at ang kaniyang mga anak, iniwan nila ang kanilang mga lungsod at nagsitakas sila. At dumating ang mga Filisteo at nanirahan doon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:36At para doon sa mga natira sa inyo sa mga lupain ng mga kaaway, magpapadala ako ng takot sa inyong mga puso na kahit pa na sa tunog ng isang dahon na hinihipan sa hangin, magugulantang kayo at tatakas kayo na parang tinatakasan ninyo ang espada. Babagsak kayo kahit na wala namang humahabol sa inyo.
Deuteronomy 28:43Aangat mula sa inyo ang dayuhang kapiling ninyo na pataas ng pataas; kayo mismo ang bababa na pailalim ng pailalim.
1 Samuel 13:6Nang makita ng mga kalalakihan ng Israel na sila ay nasa panganib—sapagkat ang mga tao ay namimighati, nagtago ang mga tao sa mga kuweba, sa damuhan, sa mga bato, sa mga balon, at sa mga hukay.