1 Mga Cronica 12:40
Bukod pa rito, ang mga malapit sa kanila, hanggang Isacar, Zebulun at Neftali, ay nagdala ng tinapay na isinakay sa mga asno, mga camelyo, mga mola at mga baka, at tinapay na gawa sa igos, mga kumpol ng pasas, alak, langis, baka at tupa, sapagkat nagdiriwang ang Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 16:1Nang makaalis si David nang di kalayuan sa tuktok ng burol, sinalubong siya ni Ziba ang lingkod ni Mefiboset na may dalawang upuang asno; may dalawandaang tinapay sa mga ito at sandaang kumpol ng mga pasas at sandaang buwig ng igos at isang balat na sisidlang alak.
1 Kings 1:40Pagkatapos, sumunod ang lahat ng tao sa kaniya, at tumugtog ng mga plauta at nagsaya nang may buong kagalakan, na ang lupa ay nayanig sa kanilang tunog.
1 Chronicles 29:22Sa araw na iyon, kumain sila at uminom sa harapan ni Yahweh na may malaking pagdiriwang. Ginawa nilang hari sa ikalawang pagkakataon si Solomon, na anak ni David, at hinirang siya sa kapangyarihan ni Yahweh na maging pinuno. Hinirang din nila si Zadok na maging pari.
Proverbs 29:2Kapag silang mga gumagawa ng tama ay umaangat, ang mga tao ay nagdidiwang, pero kapag ang isang masamang tao ang namuno, ang mga tao ay maghihinagpis.
Luke 19:37Nang palapit na siya sa libis ng Bundok ng mga Olibo, ang buong karamihan ng mga alagad ay nagsimulang magalak at magpuri sa Diyos nang may malakas na tinig dahil sa lahat ng mga kamangha-manghang gawa na kanilang nakita,