1 Chronicles 13:10
Pagkatapos, nagalab ang galit ni Yahweh laban kay Uza at pinatay siya ni Yahweh dahil hinawakan ni Uza ang kaban. Namatay siya doon sa harap ng Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 10:1Kumuha ng kani-kaniyang insensaryo sina Nadab at Abihu na mga anak ni Aaron, nilagyan ito ng apoy at saka insenso. Pagkatapos naghandog sila ng hindi karapat-dapat na apoy sa harapan ni Yahweh na hindi niya iniutos sa kanila na ihandog.
Numbers 16:35Pagkatapos kumislap ang apoy mula kay Yahweh at nilamon ang 250 kalalakihan na naghandog ng insenso.
1 Samuel 6:19Sinalakay ni Yahweh ang ilang kalalakihan ng Beth-semes dahil tumingin sila sa kanyang kaban. Pinatay niya ang pitumpung kalalakihan. Nagluksa ang mga tao, dahil binigyan ni Yahweh ang mga tao ng isang malaking dagok.
1 Chronicles 15:15Kaya pinasan ng mga Levita ang kaban ng Diyos sa kanilang mga balikat gamit ang mga pingga, tulad ng iniutos ni Moises na alinsunod sa tuntuning ibinigay sa pamamagitan ng salita ni Yahweh.
1 Corinthians 11:30Iyan ang dahilan kung bakit marami ang may karamdaman at may sakit sa inyo, at ang ilan sa inyo ay namatay na.