1 Mga Cronica 14:15
Kapag narinig mo ang tunog ng martsa sa hangin na umiihip sa itaas ng mga puno ng balsam, lumusob ka nang buong lakas. Gawin mo ito dahil ang Diyos ay mauuna sa iyo upang lusubin ang hukbo ng mga Filisteo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:36At para doon sa mga natira sa inyo sa mga lupain ng mga kaaway, magpapadala ako ng takot sa inyong mga puso na kahit pa na sa tunog ng isang dahon na hinihipan sa hangin, magugulantang kayo at tatakas kayo na parang tinatakasan ninyo ang espada. Babagsak kayo kahit na wala namang humahabol sa inyo.
Judges 4:14Sinabi ni Debora kay Barak, “Humayo ka! Dahil ito ang araw na ibinigay sa iyo ni Yahweh ang tagumpay laban kay Sisera. Hindi ba pinangungunahan ka ni Yahweh?” Kaya bumaba si Barak mula sa Bundok Tabor na may sampung libong kalalakihang sumusunod sa kaniya.
Judges 7:15Nang marinig ni Gideon ang muling pagsasalaysay ng panaginip at ang kahulugan nito, nagpatirapa siya sa pagsamba. Bumalik siya sa kampo ng Israel at sinabi, “Bumangon kayo! Binigyan kayo ni Yahweh ng tagumpay laban sa mga hukbo ng Midian.”
2 Kings 7:6Dahil pinarinig ng Panginoon sa mga Aramean ang ingay ng mga karwahe, at ang ingay ng mga kabayo —ang ingay ng isang malaking hukbo, at sinabi nila sa isa't isa, “Inupahan ng hari ng Israel ang mga hari ng mga Hiteo at mga taga-Ehipto para pumunta laban sa amin.”
Isaiah 13:4Ang ingay ng karamihan sa mga bundok, ay gaya ng maraming tao! Ang ingay ng kaguluhan sa mga kaharian ay gaya ng maraming bansa na nagtipon-tipon! Tinitipon ni Yahweh ng mga hukbo ang mga kawal para sa labanan.
Micah 2:12Tiyak na titipunin ko kayong lahat, Jacob. Tiyak na titipunin ko ang mga natitirang Israelita. Dadalhin ko silang magkakasama tulad ng tupa sa isang kulungan, tulad ng isang kawan sa gitna ng kanilang pastulan. Magkakaroon ng malakas na ingay dahil sa napakaraming tao.