1 Mga Cronica 15:16
Kinausap ni David ang mga pinuno ng Levita upang italaga ang kanilang mga kapatid na tumugtog ng mga instrumentong pangmusika, instrumentong may mga kuwerdas, mga alpa at mga pompiyang, tumugtog ng malakas at masayang itataas ang kanilang mga tinig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 6:31Ang mga sumusunod ay mga pangalan ng mga lalaking itinalaga ni David na mamahala sa musika sa tahanan ni Yahweh, matapos na ilagay doon ang kaban ng tipan.
1 Chronicles 15:12Sinabi niya sa kanila, “Kayo ang mga pinuno ng pamilya ng mga Levita. Ilaan ninyo ang inyong sarili kay Yahweh, kayo at ang inyong mga kapatid na lalaki upang maaari ninyong dalhin ang kaban ni Yahweh, ang Diyos ng Israel sa lugar na inihanda ko para dito.
1 Chronicles 16:5Ang mga Levitang ito ay sina Asaf, na pinuno, at pumapangalawa sa kaniya sina Zacarias, Jeiel, Semiramot, Jehiel, Matitias, Eliab, Benaias, Obed-edom at Jeiel. Sila ang tutugtog ng mga instrumentong may kwerdas at mga alpa. Si Asaf naman ang tutugtog sa mga pompiyang nang malakas.
1 Chronicles 23:5Ang apat na libo ay mga taga-bantay ng pintuan at apat na libo ang magpupuri kay Yahweh na may mga instrumento “na ginawa ko para sa pagsamba” sabi ni David.
2 Chronicles 5:13Nangyari na ang mga umiihip ng trumpeta at ang mga mang-aawit ay sama-samang gumawa ng musika, tumutugtog nang iisang tunog na maririnig para sa pagpupuri at pagpapasalamat kay Yahweh. Nilakasan nila ang kanilang mga tinig kasama ng mga trumpeta at mga pompiyang at iba pang mga instrumento, at pinuri nila si Yahweh. Umawit sila, “Sapagkat siya ay mabuti, sapagkat ang kaniyang katapatan sa kaniyang kasunduan ay nananatili magpakailanman.” At ang tahanan, na tahanan ni Yahweh ay napuno ng ulap.
2 Chronicles 20:19Ang mga Levita, ang mga angkan ni Kohat at Korah ay tumayo upang papurihan si Yahweh, ang Diyos ng Israel na may napakalakas na tinig.