1 Mga Cronica 15:28
Kaya dinala ng lahat ng Israel ang kaban ng tipan ni Yahweh na may masayang hiyawan at may tunog ng mga tambuli, mga pompiyang at mga instrumentong may kuwerdas at mga alpa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 13:8Si David at ang lahat ng Israelita ay nagdiriwang sa harapan ng Diyos ng kanilang buong lakas. Sila ay umaawit na may mga instrumentong may kuwerdas, mga tamburin, mga pompiyang at mga trumpeta.
1 Chronicles 25:1Si David at ang mga pinuno ng manggagawa ng tabernakulo ay pumili ng ilan sa mga anak nina Asaf, Heman at Jeduthun para sa ilang mga gawain na ito. Nagpahayag ng propesiya ang mga kalalakihang ito nang may arpa, mga instrumentong may kuwerdas at mga pompiyang. Ito ang listahan ng mga kalalakihang gumawa ng gawaing ito:
Ezra 3:10Ang mga tagapagtayo ay inaglagay ang pundasyon para sa templo ni Yahweh. Binigyang daan nito ang mga paring nakatayo na suot ang kanilang mga kasuotan kasama ang mga trumpeta, at mga Levita, mga anak ni Asaf, upang papurihan si Yahweh sa pamamagitan ng pompyang, gaya ng iniutos ng mga kamay ni David, na hari ng Israel.
Psalms 47:6Umawit ng mga papuri sa Diyos, umawit ng mga papuri; umawit ng mga papuri sa ating Hari, umawit ng mga papuri.
Psalms 98:4Sumigaw kay Yahweh ng may kagalakan, buong daigdig; isambulat sa awit at umawit ng may kagalakan, umawit ng mga papuri.
Psalms 150:3Purihin siya sa ihip ng tambuli; purihin siya gamit ang plawta at alpa.