1 Mga Cronica 15:29
Ngunit nang paparating ang kaban ng tipan ni Yahweh sa lungsod ni David, dumungaw sa bintana ang babaeng anak ni Saul na si Mical. Nakita niya si Haring David na sumasayaw at nagdiriwang. At kinamuhian niya si Haring David sa kaniyang puso.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 10:33Naglakbay sila sa loob ng tatlong araw mula sa bundok ni Yahweh. Nauna sa kanila ang kaban ng tipan ni Yahweh nang tatlong araw upang maghanap ng lugar na maaari nilang mapagpahingahan.
Joshua 4:7Kaya sasabihin ninyo sa kanila, 'Nahati ang tubig ng Jordan sa harap ng kaban ng tipan ni Yahweh. Nang makatawid ito sa Jordan, nahati ang tubig ng Jordan. Kaya ang mga batong ito ay magiging isang alaala sa bayan ng Israel magpakailanman.”'
1 Samuel 4:3Nang dumating ang mga tao sa kampo, sinabi ng nakakatanda ng Israel, “Bakit tayo pinatalo ni Yahweh ngayon sa mga Filisteo? Dalhin natin ang kaban ng tipan ni Yahweh dito mula sa Silo, upang makasama natin iyon dito, para panatilihin tayong ligtas mula sa kapangyarihan ng ating mga kaaway.”
1 Samuel 19:11Nagpadala si Saul ng mga mensahero sa sambahayan ni David upang bantayan siya ng sa ganun maaari niya siyang mapatay sa umaga. Sinabi sa kanya ni Mical, asawa ni David, “Kung hindi mo ililigtas ang iyong sarili ngayong gabi, bukas mapapatay ka.”
2 Samuel 3:13Sumagot si David, “Mabuti, gagawa ako ng isang kasunduan sa iyo. Pero isang bagay ang hihingin ko mula sa iyo na hindi mo makikita ang aking mukha maliban na dalhin mo muna si Mical, ang anak na babae ni Saul, kapag nakipagkita ka sa akin.”
2 Samuel 6:20Pagkatapos bumalik si David para pagpalain ang kaniyang pamilya. Dumating si Mical, ang babaeng anak ni Saul, para salubungin si David at sinabi, “Labis na pagpaparangal ang hari ng Israel sa araw na ito, na hinubaran ang kaniyang sarili sa harapan ng mga mata ng mga babaeng alipin na kaniyang mga lingkod, katulad ng isang taong walang hiya na hindi nahihiyang hubaran ang kaniyang sarili!”