1 Mga Cronica 15:3
Pagkatapos, ang lahat ng Israel ay tinipon ni David sa Jerusalem upang dalhin ang kaban ni Yahweh sa lugar na kaniyang inihanda para dito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4Tinipon ni David ang mga kaapu-apuhan ni Aaron at ang mga Levita.
Cross References
Leviticus 9:5Kaya dinala nila ang lahat ng iniutos ni Moises sa tolda ng pagpupulong, at lumapit ang buong kapulungan ng Israel at tumayo sa harap ni Yahweh.
2 Samuel 6:17Dinala nila sa loob ang kaban ni Yahweh at inilagay ito sa kaniyang lugar, sa gitna ng tolda na ipinatayo ni David para dito. Pagkatapos naghandog si David ng mga sinunog na handog at handog para sa pagtitipon-tipon sa harapan ni Yahweh.
1 Chronicles 13:2Sinabi ni David sa buong kapulungan ng Israel, 'Kung ito ang mabuti para sa inyo at kung ito ay nagmula kay Yahweh na ating Diyos, magpadala tayo ng mga mensahero sa lahat ng lugar kung saan naroon ang ating mga kapatiran na nananatili sa lahat ng mga rehiyon ng Israel at sa mga pari at mga Levita na nasa kanilang mga lungsod. Sabihan sila na sumama sila sa atin.
1 Chronicles 15:1Nagpatayo si David ng mga bahay para sa kaniyang sa lungsod ni David. Siya ay naghanda ng isang lugar para sa kaban ng Diyos at nagtayo ng tolda para dito.
1 Chronicles 16:1Ipinasok nila ang kaban ng Diyos at inilagay ito sa gitna ng tolda na ipinagawa ni David para dito. Pagkatapos, naghandog sila ng mga alay na susunugin at mga handog pangkapayapaan sa harap ng Diyos.
2 Chronicles 1:4Ngunit dinala ni David ang kaban ng Diyos mula sa Chiriath Jearim sa lugar na kaniyang inihanda para rito sapagkat nagtayo siya ng tolda para dito sa Jerusalem.