1 Mga Cronica 16:34
Magpasalamat kay Yahweh, sapagkat siya ay mabuti, at ang matapat niyang kasunduan ay magtatagal magpakailanman.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
O give thanks unto the LORD; for he is good; for his mercy endureth for ever.
In Context
Cross References
2 Chronicles 5:13Nangyari na ang mga umiihip ng trumpeta at ang mga mang-aawit ay sama-samang gumawa ng musika, tumutugtog nang iisang tunog na maririnig para sa pagpupuri at pagpapasalamat kay Yahweh. Nilakasan nila ang kanilang mga tinig kasama ng mga trumpeta at mga pompiyang at iba pang mga instrumento, at pinuri nila si Yahweh. Umawit sila, “Sapagkat siya ay mabuti, sapagkat ang kaniyang katapatan sa kaniyang kasunduan ay nananatili magpakailanman.” At ang tahanan, na tahanan ni Yahweh ay napuno ng ulap.
Ezra 3:11Umawit sila ng papuri at pasasalamat kay Yahweh, “Siya ay mabuti! ang kaniyang tipan ng katapatan sa Israel ay mananatili magpakailanman.” Ang lahat ng mamamayan ay humiyaw nang may kagalakan sa pagpupuri kay Yahweh dahil ang pundasyon ng templo ay nailagay na.
Psalms 107:1Magpasalamat kay Yahweh, dahil sa kaniyang kabutihan at ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
Psalms 136:1O, magpasalamat kay Yahweh; dahil siya ay mabuti, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.