1 Chronicles 20:3
Pinalabas niya ang mga tao na nasa lungsod at sapilitan silang pinagtrabaho gamit ang mga lagari, mga matutulis na bakal at mga palakol. Iniutos ni David sa lahat ng mga lungsod ng mga Ammonita na gawin ang trabahong ito. Pagkatapos, bumalik si David at ang lahat ng kaniyang hukbo sa Jerusalem.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 1:14Ginawa nilang masaklap ang kanilang buhay na may kasamang mabibigat na paglilingkod sa tisa at laryo, at sa lahat ng uri ng gawain sa mga bukid. Lahat na kailangan nilang gawain ay mahirap.
Judges 8:6At sinabi ng mga pinuno ng Suco, “Ang mga kamay ba nina Zeba at Zalmuna ay nasa inyong mga kamay ngayon? Hindi ko alam kung magbibigay kami ng tinapay sa iyong mga hukbo”
2 Samuel 12:31Inilabas niya ang mga tao na nasa lungsod at pinilit silang magtrabaho gamit ang mga lagari, mga suyod na bakal at mga palakol; pinagtrabaho din niya sila sa tapahan ng laryo. Inatasan ni David ang lahat ng mga lungsod ng mga tao ng Ammon na gawin ang mga trabahong ito. Pagkatapos bumalik si David at ang buong hukbo sa Jerusalem.
1 Chronicles 19:2Sinabi ni David, “Magpapakita ako ng kabaitan kay Hanun na anak ni Nahas sapagkat nagpakita ng kabaitan ang kaniyang ama sa akin.” Kaya nagpadala si David ng mga mensahero upang damayan siya tungkol sa kaniyang ama. Pumasok ang mga lingkod ni David sa lupain ng mga Ammonita at pumunta kay Hanun upang damayan siya.