1 Chronicles 21:17
Sinabi ni David sa Diyos, “Hindi ba ako ang nag-utos na bilangin ang hukbo? Ginawa ko ang masamang bagay na ito. Ngunit ang mga tupang ito, ano ang kanilang ginawa? Pakiusap Yahweh na aking Diyos, hayaan mong ako at ang aking pamilya ang parusahan ng iyong kamay, ngunit huwag mong parusahan ang iyong mga tao ng salot na ito.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:5Huwag dapat kayong yuyukod sa kanila o sambahin sila, dahil Ako, si Yahweh na inyong Diyos, ay selosong Diyos. Paparusahan ko ang kasamaan ng mga ninuno sa pamamagitan ng pagpapadala ng kaparusahan sa mga kaapu-apuhan, patungo sa ikatlo at ikaapat na salinlahi sa mga galit sa akin.
Joshua 22:18Dapat din kayong tumalikod mula sa pagsunod kay Yahweh sa kasalukuyang ito? Kung maghihimagsik din kayo laban kay Yahweh ngayon, bukas magagalit siya sa buong kapulungan ng Israel.
2 Samuel 12:10Kaya ngayon hindi aalis ang espada sa iyong bahay, dahil inalipusta mo ako at kinuha ang asawa ni Urias ang Heteo bilang iyong asawa.'
2 Samuel 24:17At nakipag-usap si David kay Yahweh nang makita niya ang anghel na sumugod sa mga tao at sinabing, “Nagkasala ako” at “labis akong nagkamali. Pero itong mga tupa, ano ang kanilang nagawa? Pakiusap, hayaang ako at ang sambahayan ng aking ama ang parusahan ng inyong kamay!”
1 Chronicles 21:8Sinabi ni David sa Diyos, “Labis akong nagkasala sa paggawa nito. Ngayon, alisin mo ang kasalanan ng iyong lingkod, sapagkat ako ay naging napakahangal.”
Psalms 51:4Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala at sa iyong paningin ginawa kung ano ang napakasama; matuwid ka kapag nagsasalita; tama ka kapag humahatol.