1 Chronicles 22:2
Kaya inutosan ni David ang kaniyang mga lingkod na tipunin ang mga dayuhang nakatira sa lupain ng Israel. Itinalaga niya sila na maging mga taga-tapyas ng bato, upang tumapyas ng mga malalaking bato, upang maitayo ang tahanan ng Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 5:17Sa utos ng hari sila ay nagtibag ng malalaking mga bato na mataas ang kalidad para sa paglatag ng pundasyon ng templo.
1 Kings 7:9Ang mga gusaling ito ay pinalamutian ng mamahalin na batong natagpas, sinukat nang maagi at hinati ng lagari at pinakinis sa lahat ng panig. Ang mga batong ito ay ginamit mula sa pundasyon hanggang sa mga bato sa itaas at sa labas din ng malaking patyo.
2 Kings 12:12at sa mga mason at nagtatapyas ng bato para ipambili ng kahoy at batong tinapyas para ayusin ang templo ni Yahweh, at para sa lahat ng dapat bayaran para maayos ito.
1 Chronicles 14:1Pagkatapos, nagpadala si Hiram na hari ng Tiro ng mga mensahero kay David at cedar na kahoy, mga karpintero at mga mason. Nagtayo sila ng bahay para sa kaniya.
2 Chronicles 2:16Puputol kami ng kahoy mula sa Lebanon, kasindami ng iyong kailangan. Dadalhin namin ito sa iyo sa mga balsa na idadaan sa dagat patungong Jopa at bubuhatin ninyo ito patungong Jerusalem.”
2 Chronicles 8:7Tungkol naman sa lahat ng taong naiwan na Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita at Jebuseo na hindi kabilang sa Israel,