1 Chronicles 22:7
Sinabi ni David kay Solomon, “Anak ko, hangarin ko ito na ako mismo ang magtayo ng tahanan, para sa pangalan ni Yahweh na aking Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 12:5Pero sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng inyong mga lipi para ilagay ang kaniyang pangalan, na magiging lugar kung saan siya titira, at doon kayo pupunta.
Deuteronomy 12:21Kung masyadong malayo mula sa inyo ang lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos na lagyan ng kaniyang pangalan, sa gayon papatay kayo ng ilan sa inyong mga hayop o inyong mga kawan na ibinigay ni Yahweh sa inyo, katulad ng sinabi ko sa inyo; maaari kayong kumain sa loob ng inyong mga tarangkahan, ayon sa inyong pagnanais.
2 Samuel 7:2sinabi ng hari kay Natan na propeta, “Tingnan mo, naninirahan ako sa isang tahanang cedar, pero nananatili sa gitna ng isang tolda ang kaban ng Diyos.”
1 Kings 8:29Nawa ang iyong mga mata ay nakatuon patungo sa templong ito sa gabi at araw, sa lugar kung saan ay sinabi mo, 'ang Aking pangalan at aking prisensya ay nandoon' — para marining ang panalangin na ipagdarasal ng iyong lingkod sa lugar na ito.
1 Chronicles 17:1At nangyari nang nakatira na ang hari sa kaniyang tahanan, sinabi niya kay propeta Natan, “Tingnan mo, ako ay nakatira sa isang tahanan na sedar, ngunit ang kaban ng tipan ni Yahweh ay nananatili sa ilalim ng isang tolda.”
1 Chronicles 29:3Ngayon, dahil sa aking kagalakan sa tahanan ng aking Diyos, ibinibigay ko ang aking sariling mga kayamanang ginto at pilak para rito. Ginagawa ko ang ito na karagdagan sa lahat ng aking inihanda para sa banal na templo: