1 Mga Cronica 24:1
Ang mga pangkat ayon sa mga kaapu-apuhan ni Aaron ay ito: sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 6:23Napangasawa ni Aaron si Elisheba, anak na babae ni Aminadab, na kapatid na babae ni Naashon. Ipinanganak niya sina Nadab at Abiu, si Eleazar at Ithamar.
Leviticus 10:1Kumuha ng kani-kaniyang insensaryo sina Nadab at Abihu na mga anak ni Aaron, nilagyan ito ng apoy at saka insenso. Pagkatapos naghandog sila ng hindi karapat-dapat na apoy sa harapan ni Yahweh na hindi niya iniutos sa kanila na ihandog.
Numbers 3:4Ngunit namatay sa harapan ni Yahweh sina Nadab at Abihu nang naghandog sila kay Yahweh ng hindi katanggap-tanggap na apoy sa ilang ng Sinai. Walang mga anak sina Nadab at Abihu, kaya sina Eleazar at Itamar lamang ang naglingkod bilang mga pari kasama ni Aaron na kanilang ama.
1 Chronicles 6:3Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
1 Chronicles 23:6Hinati sila ni David sa pangkat na umayon sa mga anak na lalaki ni Levi: Gershon, Kohat at Merari.