1 Mga Cronica 25:3
Mula naman sa mga anak na lalaki ni Jeduthun ay: sina Gedalias, Zeri, Jesaias, Simei, Hashabias at Matitias, anim sa kabuuang bilang, sa ilalim ng pangunguna ng kanilang amang si Jeduthun, na siyang tumugtog ng arpa para sa pagpapasalamat at pagpupuri kay Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 10:5Matapos iyon, paroroon ka sa burol ng Diyos, kung saan naroon ang kuta ng mga Filisteo. Kapag nakarating ka sa lungsod, makakasalubong ka ng isang pangkat ng propetang pababa mula sa mataas na lugar na may alpa, panderetas, plauta, at lira sa harapan nila; magsisipanghula sila.
1 Chronicles 15:18Kasama nila ang kanilang mga kamag-anak na nasa ikalawang katungkulan: sina Zacarias, Jaazael, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Benaias, Maaseias, Matitias, Elifelehu, Micneias, Obed-edom, at Jeiel, ang mga tagapagbantay ng tarangkahan.
1 Chronicles 16:41Kasama nila sina Heman at Jeduthun, gayon din ang mga pinili sa pangalan upang magpasalamat kay Yahweh dahil ang kaniyang matapat na kasunduan ay magtatagal magpakailanman.
2 Chronicles 29:14sa mga anak ni Heman, sina Jehiel at Simei; at sa mga anak ni Jeduthun, sina Semias at Uziel.
Jeremiah 33:11Muling makaririnig dito ng mga ingay ng kagalakan at pagdiriwang, mga ingay ng mga lalaki at mga babaeng ikakasal, mga ingay ng mga taong nagsasabi, “Magpasalamat kay Yahweh ng mga hukbo, sapagkat siya ay mabuti at ang kaniyang tipan ng katapatan ay walang hanggan.” Magdala ng handog ng pasasalamat sa aking tahanan, sapagkat panunumbalikin ko ang kayamanan ng lupain gaya noong simula,' sabi ni Yahweh.