1 Mga Cronica 5:26
Hinimok ng Diyos ng Israel si Pul na hari ng Asiria (na tinawag din na Tilgat Pileser, hari ng Asiria). Dinala niyang bihag ang mga Rubenita, mga Gadita at kalahati ng tribu ni Manases. At dinala niya sila sa Hala, sa Habor, sa Hara, at sa ilog ng Gozan, kung saan sila ay nananatili hanggang ngayon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 15:19Pagkatapos si Pul ang hari ng Asiria ay dumating laban sa lupain at nagbigay si Menahem kay Pul ng isang libong talentong pilak, para siya ay tulungan ni Pul na palakasin ang kaharian ng Israel sa kaniyang pangunguna.
2 Kings 16:7Kaya nagsugo ng mga tagapagbalita si Ahaz kay Tiglat Pileser hari ng Asiria, sinasabing, ''Ako ay iyong lingkod at iyong anak. Lumapit ka at iligtas ako mula sa kamay ng hari ng Aram at mula sa kamay ng hari ng Israel, na lumusob sa akin.''
2 Kings 18:11Kaya dinala ng hari ng Asiria ang mga Israelita papuntang Asiria at nilagay sila sa Hala, at sa Ilog Habor sa Gozan, at sa mga lungsod ng Medes.
1 Chronicles 5:6Anak ni Baal si Beera, na dinalang bihag ni Tilgat Pileser na hari ng Asiria. Si Beera ay pinuno sa tribu ni Ruben.
2 Chronicles 30:6Kaya pumunta sa buong Israel at Juda ang tagapagdala ng sulat na dala-dala ang sulat mula sa hari at sa kaniyang mga pinuno, ayon sa utos ng hari. Sinabi nila, “Kayong mga taga-Israel, manumbalik kayo kay Yahweh, ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Israel, upang muli siyang bumalik sa mga nalalabi sa inyo na nakatakas mula sa kamay ng mga hari ng Asiria.
Ezra 1:5Pagkatapos, ang mga pinuno ng mga angkan ng mga ninuno ng Juda at Benjamin, mga pari at mga Levita, at bawa't isa na ang espiritu ay ginising ng Diyos na pumunta at magtayo ng kaniyang tahanan ay tumayo.