1 Corinto 10:13
Walang tukso ang dumating sa inyo na hindi pangkaraniwan sa lahat ng tao. Sa halip, tapat ang Diyos. Hindi kayo hahayaan ng Diyos na matukso ng higit sa inyong kakayanan. Sa pamamagitan ng tukso ay siya din ang magbibigay ng paraan para makatakas, upang inyo ngang makayanan ang mga ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
12Samakatuwid ang sinumang nag-aakalang nakatayo ay dapat mag-ingat na hindi siya babagsak.
14Samakatuwid, aking mga minamahal, lumayo kayo sa pagsamba ng diyus-diyosan.
Cross References
Exodus 3:17Nangako akong kukunin kayo mula sa pagmamalupit sa Ehipto patungo sa lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot.
1 Samuel 29:10Kaya ngayon bumangon nang maaga ang mga lingkod ng iyong panginoon na sumama sa iyo; pagkagising ninyo sa madaling araw at may liwanag na, umalis na kayo.”
Psalms 89:33Pero hindi ko aalisin ang aking katapatan sa tipan mula sa kaniya o hindi magiging totoo sa aking pangako.
Psalms 125:3Ang setro ng kasamaan ay hindi dapat mamuno sa lupain ng mga matutuwid. Kung hindi, ang mga matutuwid ay maaring gawin kung ano ang mali.
Isaiah 25:1Yahweh, ikaw ang aking Diyos; dadakilain kita, pupurihin ko ang pangalan mo; dahil gumawa ka ng mga kahanga-hangang bagay, mga bagay na matagal mo nang binalak, sa ganap na katapatan.
Jeremiah 12:5Sinabi ni Yahweh, “Sapagkat kung ikaw, Jeremias ay nakipagtakbuhan sa mga nakapaang kawal at pinagod ka nila, paano ka makikipag-unahan sa mga kabayo? Kung nadapa ka sa kapatagan sa ligtas na kabukiran, paano mo gagawin sa mga kasukalan sa daan ng Jordan?