1 Corinto 13:4
Ang pag-ibig ay mapagpasensya at magandang loob. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit o nagyayabang. Hindi mapagmataas,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
5o hindi marahas. Hindi makasarili, hindi madaling magalit, ni nagkikimkim ng bilang na mga kamalian.
Cross References
Genesis 37:11Nainggit sa kanya ang kanyang mga kapatid, pero ang kanyang ama ay itinago ang bagay sa kanyang isip.
1 Samuel 25:33At ang iyong kaalaman ay pinagpala, at pinagpala ka, dahil pinanatili mo ako sa araw na ito mula sa pagkakasala sa pagdanak ng dugo at mula sa paghihiganti ko para sa aking sariling gamit ang aking kamay.
Nehemiah 9:17Tumanggi silang makinig, at hindi nila inisip ang tungkol sa mga kababalaghan na iyong ginawa sa kanilang kalagitnaan, pero naging mapagmatigas sila, at sa kanilang paghihimagsik sila ay nagtalaga ng pinuno na magbabalik sa kanila sa pagkakaalipin. Pero ikaw ang Diyos na puno ng kapatawaran, mapagbigay-loob at mahabagin, hindi madaling magalit, at sagana sa pag-ibig na hindi nagbabago. Hindi mo sila iniwan.
Proverbs 10:12Ang galit ay nagpapasimula ng mga kaguluhan, subalit ang pag-ibig ay matatakpan ang lahat ng pagkakasala.
Proverbs 17:9Ang sinumang nagpapaumanhin sa paglabag ay naghahanap ng pagmamahal, pero ang sinumang umuulit sa isang bagay ay nagpapalayo sa mga malalapit na kaibigan.
Proverbs 19:22Katapatan ang ninanais ng isang tao, at higit na mainam ang mahirap kaysa sa isang sinungaling.