1 John 2:7
Mga minamahal, hindi ako nagsusulat nang bagong kautusan sa inyo, pero isang lumang kautusan na nasa sa inyo mula pa sa simula. Ang lumang kautusan ay ang salitang inyong narinig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 19:18Huwag maghiganti o magtanim ng sama ng loob laban sa sinuman sa inyong kapwa, nguni't sa halip mahalin ninyo ang inyong kapwa gaya ng inyong sarili. Ako si Yahweh.
Deuteronomy 6:5Mahalin ninyo si Yahweh na inyong Diyos ng inyong buong puso, ng inyong buong kaluluwa, at sa buo ninyong kalakasan.
Matthew 22:37Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kinakailangang ibigin mo ang Panginoon mong Diyos, nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo.'
Acts 17:19Dinala nila si Pablo papunta sa Areopago na sinasabing, “Maaari ba naming malaman ang bagong katuruan na iyong sinasabi?
Galatians 5:13Sapagkat tinawag kayo ng Diyos, mga kapatid, sa kalayaan. Lamang ay huwag ninyong gamitin ang iyong kalayaan bilang pagkakataon para sa laman. Sa halip sa pamamagitan ng pag-ibig paglingkuran ninyo ang bawat isa.
1 John 2:24At para sa inyo, hayaang ang mga narinig ninyo mula sa simula ay manatili sa inyo. Kung ano ang narinig ninyo mula sa simula ay nanatili sa inyo, kayo rin ay mananatili sa Anak at sa Ama.