1 John 3:8
Siya na gumagawa nang kasalanan ay sa diablo, sapagkat ang diablo ay nagkasala na mula pa sa simula. Sa dahilang ito, ang Anak ng Diyos ay nahayag, upang kanyang mawasak ang mga gawa ng diablo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 21:9Kaya gumawa si Moises ng isang tansong ahas at ikinabit ito sa isang poste. Kapag natuklaw ng isang ahas ang sinumang tao, kung titingin siya sa tansong ahas, makaliligtas siya.
Matthew 13:38Ang bukid ay ang mundo; at ang mabuting binhi ay ang mga anak ng kaharian. Ang mga damo ay ang mga anak ng masama,
Luke 10:18Sinabi ni Jesus sa kanila, “Pinanood ko si Satanas na nahulog mula sa langit gaya ng kidlat.
John 12:31Ngayon na ang paghuhukom nitong mundo. Ngayon itataboy ang prinsipe ng mundong ito.
Romans 16:20Hindi magtatagal, ang Diyos ng kapayapaan ay dudurugin si Satanas sa ilalim ng inyong mga paa. Nawa ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo.
Colossians 2:15Tinanggal niya ang mga kapangyarihan at mga kapamahalaan. Lantaran niya silang ibinunyag at dinala sila sa matagumpay na pagdiriwang sa pamamagitan ng kaniyang krus.