1 Juan 4:12
Walang sinuman ang nakakita kailanman sa Diyos. Kung mahal natin ang isa't isa, ang Diyos ay mananatili sa atin at ang pag-ibig niya ay lubos na nasa atin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
11Minamahal, kung tayo'y lubos na minahal ng Diyos, nararapat din nating mahalin ang bawat isa.
Cross References
Exodus 33:20Pero sinabi ni Yahweh, “Hindi mo maaring makita ang aking mukha, dahil walang sinuman ang maaaring makakita sa akin at mabuhay.”
John 1:18Kailanman, walang tao ang nakakita sa Diyos. Ang isa at nag-iisang katauhan, na mismo ay Diyos, na siyang nasa dibdib ng Ama, nagawa niya siyang maipakilala.
1 Timothy 1:17Ngayon sa hari ng walang hanggang panahon, ang walang kamatayan, hindi nakikita, at nag-iisang Diyos, sa kaniya ang karangalan at luwalhati magpakailanpaman. Amen.
Hebrews 11:27Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Moises ay iniwan ang Egipto. Hindi siya natakot sa galit ng hari, sapagkat tiniis niya sa pamamagitan ng pagtingin sa isang hindi pa nakikita.
1 John 3:24Siya na pinapanatili ang kautusan ng Diyos ay nananatili sa kanya, at ang Diyos ay nananatili sa kanya. At sa pamamagitan nito alam natin na siya ay nananatili sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na ibinigay niya sa atin.
1 John 4:17Sa ganito ang pagmamahal ay ginawang lubos sa atin, nang sa gayon tayo ay maaring magkaroon ng kasiguraduhan sa araw ng paghuhukom, dahil gaya niya, gayon din tayo sa mundong ito.