1 Juan 5:6
Ito ang siya na dumating sa pamamagitan ng tubig at dugo-Jesu-Cristo. Siya ay dumating hindi lamang sa pamamagitan ng tubig, kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
5Sino ba siyang napapagtagumpayan ang mundo? Siya na naniniwala na si Jesus ay ang Anak ng Diyos.
7Sapagkat mayroong tatlo na siyang nagpapatunay
Cross References
Leviticus 17:11Sapagkat ang buhay ng isang hayop ay nasa dugo nito. Ibinigay ko ang dugo nito sa inyo upang gawing pambayad ng kasalanan sa altar para sa inyong mga buhay, dahil ang dugong ito ang ginagawang pambayad ng kasalanan, sapagkat ang dugo ay pambayad ng kasalanan para sa buhay.
Ezekiel 36:25Pagkatapos ay wiwisikan ko kayo ng dalisay na tubig upang maging dalisay kayo mula sa lahat ng inyong karumihan. At dadalisayin ko kayo mula sa lahat ng inyong mga diyus-diyosan.
Matthew 26:28Sapagkat ito ay ang aking dugo ng kasunduan na ibinuhos para sa marami para sa ikapapatawad ng mga kasalanan.
Luke 22:20Kinuha niya ang tasa sa parehong paraan pagkatapos ng hapunan, sinasabi, “Ang tasang ito ang bagong tipan sa aking dugo, na ibinuhos para sa inyo.
John 3:5Sumagot si Jesus, “Tunay nga, maliban kung ipinanganak ang isang tao sa tubig at sa Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.
John 4:14ngunit ang sinumang uminom ng kaunting tubig na ibibigay ko sa kaniya ay hindi kailan man muling mauuhaw. Sa halip, ang tubig na ibibigay ko sa kaniya ay magiging bukal ng tubig na magdudulot sa kaniya ng buhay na walang hanggan.”