1 Mga Hari 1:39
Kinuha ni Sadoc na pari ang sungay na lalagyan ng langis mula sa tolda at pinahiran ng langis si Solomon. Pagkatapos ay hinipan nila ang trumpeta, at sinabi ng lahat ng tao, “Mabuhay si Haring Solomon!”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 30:23“Kunin mo itong mga pinong pampalasa: limandaang sekel ng umaagos na mira, 250 sekel ng matamis na halimuyak na kanela, 250 sekel ng matamis na halimuyak na tubo,
Exodus 30:35Gawin ito sa paraan ng insenso, hinalo ng isang tagapagpabango, pinalasa ng asin, puro at inilaan sa akin.
1 Samuel 16:13Pagkatapos kinuha ni Samuel ang sungay ng langis at binuhusan siya sa gitna ng kanyang mga kapatid na lalaki. Mula sa araw na iyon lumukob ang Espiritu ni Yahweh kay David. Pagkatapos bumangon si Samuel at pumunta sa Rama.
1 Kings 1:34Pahiran siya ng langis nila Sadoc na pari at Nathan na propeta bilang hari ng buong Israel at hipan ang trumpeta at sabihi, 'Mabuhay si Haring Solomon!'
2 Kings 9:13Pagkatapos bawat isa sa kanila ay mabilis na hinubad ang kaniyang panlabas na damit at inilagay ito sa paanan ni Jehu para lakaran. Hinipan nila ang trumpeta at sinabi, “Si Jehu ay hari.”
1 Chronicles 29:22Sa araw na iyon, kumain sila at uminom sa harapan ni Yahweh na may malaking pagdiriwang. Ginawa nilang hari sa ikalawang pagkakataon si Solomon, na anak ni David, at hinirang siya sa kapangyarihan ni Yahweh na maging pinuno. Hinirang din nila si Zadok na maging pari.