1 Mga Hari 11:13
Gayon man, hindi ko sisirain ang buong kaharian; Ibibigay ko ang isang lipi sa iyong anak alang-alang sa aking lingkod na si David, at para sa kapakanan ng Jerusalem, na aking pinili.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 9:5Hindi ito dahil sa inyong pagkamatuwid o sa kabutihan ng inyong puso na makakapasok kayo para angkinin ang kanilang lupain; pero dahil sa kasamaan ng mga bansang ito kaya't papaalisin sila ng inyong Diyos palabas mula sa inyong harapan, at para magawa niyang tuparin ang salita na pinangako niya sa inyong mga ninuno, kay Abraham, Isaac, at Jacob.
Deuteronomy 12:11pagkatapos mangyayari ito sa lugar kung saan piliin ni Yahweh na inyong Diyos doon na manirahan ang kaniyang pangalan, doon dalhin ninyo ang lahat ng iniutos ko sainyo: ang inyong mga sinunog na handog, ang inyong mga alay, ang inyong mga ikapu, at ang mga handog na inihandog ng inyong kamay, at lahat ng inyong piling handog para sa mga panata na inyong ipapangako kay Yahweh.
1 Kings 11:11Kaya sinabi ni Yahweh kay Solomon, “Dahil nagawa mo ito at hindi mo sinunod ang aking tipan at aking mga alituntunin na inutos ko sa iyo, tiyak na pipilasin ko ang kaharian mula sa iyo at ibibigay ko ito sa iyong lingkod.
1 Kings 11:35Ngunit kukunin ko ang kaharian mula sa kamay ng kaniyang anak, at ibibigay ko ito sa iyo, ang sampung mga lipi.
1 Kings 12:17Pero para sa bayang Israel na nanirahan sa mga lungsod ng Juda, si Rehoboam ang naghari sa kanila.
1 Kings 12:20Nangyari ito nang mabalitaan ng buong Israel na bumalik na si Jeroboam, ipinadala nila at tinawag siya sa kanilang kapulungan at ginawa siyang hari sa buong Israel. Walang isa man ang sumunod sa pamilya ni David, maliban lamang sa lipi ni Juda.