The Bible Software
bible.software › 1 Mga Hari › 1 Mga Hari 13 › 1 Mga Hari 13:1

1 Mga Hari 13:1

Isang lingkod ng Diyos ang lumabas sa Juda sa pamamagitan ng salita ni Yahweh para sa Bethel. Nakatayo si Jeroboam sa may altar para magsunog ng insenso.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And, behold, there came a man of God out of Judah by the word of the LORD unto Bethel: and Jeroboam stood by the altar to burn incense.

In Context

2Ang lingkod ng Diyos ay sumigaw sa harapan ng altar sa pamamagitan ng salita ni Yahweh at sinabi, “Altar, o altar, sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan, isang anak na lalaki ang isisilang sa pamilya ni David, sa pangalang Josias, at maghahandog siya sa iyo ng mga pari ng mga dambana na nagsusunog ng insenso sa iyo; susunugin nila ang mga buto ng kalalakihan sa iyo'.”

Read all of 1 Mga Hari 13

Cross References

1 Samuel 2:27Ngayon dumating ang isang lingkod ng Diyos kay Eli at sinabi sa kanya, “Sinasabi ni Yahweh, 'Hindi ko ba inihayag ang aking sarili sa bahay ng iyong ninuno, nang naroon sila sa Ehipto sa pagkakaalipin sa bahay ni Paraon?

1 Kings 12:32Nagtalaga si Jeroboam ng isang pista sa ika-walong buwan, sa ika-labing limang araw ng buwan, tulad ng pista na nasa Juda, at umakyat siya sa altar. Ginawa niya ito sa Bethel, naghahandog sa mga guya na kaniyang ginawa, at naglagay siya sa Bethel ng mga pari sa mga dambana na kaniyang ginawa.

1 Kings 13:5Nahati din ang altar, at ibinuhos ang mga abo mula sa altar, tulad ng inilarawan sa pamamagitan ng palatandaan na ibinigay ng lingkod ng Diyos sa pamamagitan ng salita ni Yahweh.

1 Kings 13:26Nang marinig ito ng propeta na nagdala pabalik sa kaniya mula sa daanan, sinabi niya, “Ito ang lingkod ng Diyos na lumabag sa salita ni Yahweh. Kaya siya ay ibinigay ni Yahweh sa leon, na nilapa ng pira-piraso at pinatay siya, tulad lamang ng salita ni Yahweh na nagbabala sa kaniya.

1 Kings 20:35May isang lalaki, isa sa mga anak ng propeta, sinabi sa kaniyang kapwa propeta sa pamamagitan ng salita ni Yahweh, “Pakiusap saktan mo ako.” Pero ang lalaki ay tumangging saktan siya.

2 Chronicles 9:29Ang iba pang mga pangyayari tungkol kay Solomon mula sa simula hanggang sa wakas, hindi ba ito nakasulat sa Kasaysayan ni Propeta Natan at sa Pahayag ni Ahias na taga-Shilo at sa mga Pangitain ni Propeta Iddo tungkol kay Reboam na anak ni Nebat?

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study 1 Mga Hari 13:1

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
1 Mga Hari 131 Mga Hari 13:2 →