1 Mga Hari 13:33
Pagkatapos nito hindi nagbago si Jeroboam mula sa kaniyang masasamang gawain, pero patuloy pa rin siyang naghirang ng mga pari para sa mga dambana mula sa kalagitnaan ng buong bayan. Ginawa niyang banal ang sinumang nais maglingkod, na maaaring maging mga pari sa mga dambana.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 28:41Dapat mong damitan si Aaron na iyong kapatid, at ang kaniyang mga anak na lalaki na kasama niya. Dapat mo silang buhusan ng langis, italaga sila, at ihandog sila sa akin, para maglingkod sila sa akin bilang mga pari.
Numbers 3:10Dapat mong hirangin sina Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki bilang mga pari, ngunit sinumang dayuhang lalapit ay dapat patayin.”
Numbers 17:12Nagsalita ang mga tao ng Israel kay Moises at sinabi, “Mamamatay kami rito. Malilipol kaming lahat!
1 Kings 12:31Gumawa si Jeroboam ng mga Templo sa mga dambana; naghirang din siya ng mga pari sa kalagitnaan ng buong bayan, na hindi mga anak na lalaki ni Levi.
2 Chronicles 13:9Hindi ba't pinaalis ninyo ang mga pari ni Yahweh na mga anak ni Aaron at ang mga Levita? Hindi ba gumawa kayo ng mga pari para sa inyong sarili ayon sa pamamaraan ng ibang lahi ng ibang lupain? Ang sinumang dumarating upang italaga ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng isang batang toro at pitong lalaking tupa ay maaaring maging isang pari sa mga hindi tunay na diyos.
2 Chronicles 28:22Ang Haring ito na si Ahaz ay nagkasala pa ng mas matindi laban kay Yahweh sa panahon ng kaniyang pagdurusa.