1 Mga Hari 13:6
Sumagot si Haring Jeroboam at sinabi sa lingkod ng Diyos, “Makiusap ka para sa pabor ni Yahweh na iyong Diyos at ipanalangin ako, sa gayon maaaring maibalik muli sa dating kalagayan ang aking kamay.” Kaya nanalangin ang lingkod ng Diyos kay Yahweh, at muling naibalik sa dating kalagayan ang kamay ng hari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 8:8Pagkatapos tinawag ni Paraon sina Moises at Aaron at sinabi, “Manalangin kayo kay Yahweh para paalisin niya ang mga palaka mula sa akin at sa aking bayan. Pagkatapos hahayaan ko ang mga tao na umalis, para maghandog sa kaniya.”
Exodus 8:28Sinabi ni Paraon, “Papayag ako na umalis kayo at maghandog kay Yahweh na inyong Diyos doon sa ilang. Huwag lamang kayong pumunta sa napakalayo. At ipanalangin ninyo ako.”
Exodus 10:17Kaya ngayon, patawarin ninyo ako sa aking kasalanan sa oras na ito, at idalangin ninyo kay Yahweh na inyong Diyos na kaniyang alisin ang kamatayang ito mula sa akin.”
Numbers 12:13Kaya tumawag si Moises kay Yahweh. Sinabi niya, “Pakiusap pagalingin mo siya, oh Diyos, pakiusap.”
1 Samuel 12:19Pagkatapos sinabi ng lahat ng mga tao kay Samuel, “Manalangin para sa iyong mga lingkod kay Yahweh na iyong Diyos, upang hindi kami mamatay. Sapagkat idinagdag namin sa lahat ng aming mga kasalanan itong kasamaan sa paghingi ng isang hari para sa aming mga sarili.”
Jeremiah 37:3Kaya si Haring Zedekias, at Jehucal na anak ni Selemias, at Zefanias na anak ni Maasias na pari ay nagpadala ng isang mensahe kay Jeremias na propeta. Sinabi nila, “Manalangin ka para sa amin kay Yahweh na ating Diyos.”