1 Kings 14:21
Ngayon si Rehoboam na anak ni Solomon ang naghahari sa Juda. Si Rehoboam ay apatnapu't-isang taong gulang noong siya ay naging hari, at siya ay labing pitong taong naghari sa Jerrusalem, ang lungsod na pinili ni Yahweh sa lahat ng mga lipi ng Israel para ilagay ang kaniyang pangalan. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na taga-Ammon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 12:5Pero sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng inyong mga lipi para ilagay ang kaniyang pangalan, na magiging lugar kung saan siya titira, at doon kayo pupunta.
Deuteronomy 23:3Isang Ammonita o isang Moabita ay hindi maaaring mapabilang sa kapulungan ni Yahweh; hanggang sa ikasampung salinlahi ng kaniyang mga kaapu-apuhan, wala sa kanila ang maaaring mapabilang sa kapulungan ni Yahweh.
1 Kings 8:29Nawa ang iyong mga mata ay nakatuon patungo sa templong ito sa gabi at araw, sa lugar kung saan ay sinabi mo, 'ang Aking pangalan at aking prisensya ay nandoon' — para marining ang panalangin na ipagdarasal ng iyong lingkod sa lugar na ito.
1 Kings 11:1Ngayon nagmahal si Solomon ng maraming dayuhang babae: ang anak na babae ng Paraon, mga babaeng Moabita, Ammonita, Edomita, Sidomita at mga babaeng Heteo—
1 Kings 11:36Ibibigay ko ang isang lipi sa anak na lalaki ni Solomon, para ang aking lingkod na si David ay magkakaroon lagi ng ilaw sa harapan ko sa Jerusalem, ang lungsod kung saan pinili kong ilagay ang aking pangalan.
1 Kings 12:17Pero para sa bayang Israel na nanirahan sa mga lungsod ng Juda, si Rehoboam ang naghari sa kanila.