1 Kings 19:21
Kaya bumalik si Eliseo mula kay Elias at inalis ang ang pamatok ng mga baka, pinatay ang mga hayop, niluto ang karne sa pamamagitan ng kahoy mula sa pamatok ng baka at pagkatapos binigay niya ito sa mga tao at kanilang kinain. Pagkatapos tumayo siya, at sumunod kay Elias, at naglingkod siya sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 27:18Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kunin mo si Josue na anak na lalaki ni Nun, isang lalaking pinananahan ng aking Espiritu at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya.
1 Kings 18:43Kaniyang sinabi sa kaniyang lingkod, “Pumanhik ka ngayon, tumingin ka sa gawing dagat.” Ang kaniyang lingkod ay pumanhik at tumingin at sinabi, “Wala naman.” Kaya sinabi ni Elias, “Pumunta ka muli, ng pitong ulit.”
2 Kings 3:11Pero sinabi ni Jehosafat, “Wala ba ritong propeta ni Yahweh, para makapagsangguni tayo kay Yahweh sa pamamagitan niya?” Isa sa mga alipin ng hari ng Israel ang sumagot at sinabi, “Nandito si Eliseo anak ni Safat, ang nagbuhos ng tubig sa mga kamay ni Elias.”
Acts 13:5Nang naroon na sila sa lungsod ng Salamina, ipinahayag nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio. Kasama din nila si Juan Marcos bilang kanilang katulong.
Philemon 1:13Nais ko sanang manatili siya sa aking piling, upang siya ang maglingkod sa akin kahalili mo, habang ako ay naka-tanikala alang-alang sa ebanghelyo.