1 Kings 21:6
Sumagot siya sa kaniya, “Nakipag-usap ako kay Nabot na taga-Jezreel at sinabi ko sa kaniya, 'Ibigay mo sa akin ang iyong ubasan kapalit ng pera, o kung ikalulugod mo, bibigyan kita ng ibang ubasan na magiging iyo.' At sumagot siya, 'Hindi ko ibibigay sa iyo ang aking ubasan.'”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Esther 5:9Masayang lumabas si Haman nang araw na iyon at may galak sa puso. Ngunit nang makita ni Haman si Mordecai sa tarangkahan ng hari na hindi tumayo ni hindi nanginig sa takot sa kanyang harapan, napuno siya ng matinding galit laban kay Mordecai.
Proverbs 14:30Ang pusong panatag ay buhay para sa katawan, ngunit ang inggit ay binubulok ang mga buto.
James 4:2Hinahangad ninyo kung anong wala kayo. Pumatay kayo at hinabol ninyo kung anong hindi mapapasainyo. Nakipag-away kayo at nakipagtalo, subalit hindi ninyo nakuha dahil hindi kayo humingi sa Diyos.