1 Mga Hari 22:39
Para sa ibang bagay na ukol kay Ahab, lahat ng kaniyang ginawa, ang bagay na garing na kaniyang itinayo, at lahat ng mga lungsod na kaniyang itinatag, hindi ba nakasulat ito sa Ang Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 10:22Ang hari ay may mga grupo ng barko sa dagat na pumapalaot sa karagatan, kasama ang mga barko ni Hiram. Isang beses sa bawat tatlong taon ang mga barko ay nagdadala ng ginto, pilak, garing, gayundin ng mga bakulaw at mga malalaking unggoy..
1 Kings 15:23At sa iba pang mga bagay tungkol kay Asa, ang kaniyang kadakilaan, ang lahat ng kaniyang ginawa, ang lahat ng mga lungsod na kaniyang itinayo, hindi ba naisulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda? Pero nang siya ay tumanda na, nagkaroon siya ng sakit sa paa.
1 Kings 16:5At sa iba pang mga bagay tungkol kay Baasa, ang kaniyang mga ginawa, ang kaniyang kadakilaan, hindi ba ito nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?
1 Kings 16:27At para sa iba pang mga bagay na ginawa ni Omri, at ang lakas ng puwersa na pinakita niya, hindi ba nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?
2 Kings 15:15Sa iba pang mga bagay tungkol kay Sallum at ang paghihimagsik na kaniyang ginawa, nakasulat ang mga ito sa Aklat ng Mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel.
Ezekiel 27:6Ginawa nila ang iyong mga sagwan mula sa mga owk mula sa Bashan; ginawa nila ang iyong mga palapag mula sa kahoy na galing sa Cyprus at pinalamutian nila ito ng garing.