1 Mga Hari 8:61
Kaya't maging sakdal nawa ang inyong puso sa Panginoon nating Dios, na magsilakad sa kaniyang mga palatuntunan, at ingatan ang kaniyang mga utos, gaya sa araw na ito.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
60Upang maalaman ng lahat na bayan sa lupa, na ang Panginoon ay siyang Dios: walang iba.
62At ang hari, at ang buong Israel na kasama niya, ay naghandog ng hain sa harap ng Panginoon.
Cross References
Genesis 17:1At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.
1 Kings 3:3At inibig ni Salomon ang Panginoon, na lumalakad sa mga palatuntunan ni David na kaniyang ama: siya'y naghahain lamang at nagsusunog ng kamangyan sa matataas na dako.
1 Kings 15:3At siya'y lumakad sa lahat ng mga kasalanan ng kaniyang ama na ginawa nito na una sa kaniya: at ang kaniyang puso ay hindi sakdal sa Panginoon niyang Dios, na gaya ng puso ni David na kaniyang magulang.
2 Kings 20:3Idinadalangin ko sa iyo, Oh Panginoon, na iyong alalahanin, kung paanong ako'y lumakad sa harap mo sa katotohanan, at may dalisay na puso at gumawa ng mabuti sa iyong paningin. At si Ezechias ay umiyak na mainam.
Job 1:1May isang lalake sa lupain ng Uz, na ang pangalan ay Job; at ang lalaking yaon ay sakdal at matuwid, at natatakot sa Dios, at humihiwalay sa kasamaan.
Psalms 37:37Tandaan mo ang sakdal na tao, at masdan mo ang matuwid: sapagka't may isang maligayang wakas sa taong may kapayapaan.