1 Pedro 1:18
Alam ninyo na hindi sa mga pilak o ginto— mga bagay na naglalaho— na kayo ay tinubos mula sa hangal na pamumuhay na inyong natutunan sa inyong mga ninuno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 39:6Tunay nga na ang bawat tao ay lumalakad tulad ng isang anino. Tunay nga na ang lahat ng tao ay nagmamadali sa pag-iipon ng kayamanan kahit na hindi nila alam kung kanino mapupunta ito.
Psalms 62:10Huwag kang magtitiwala sa pang-aapi o pagnanakaw; at huwag umasa sa walang kabuluhan na mga kayamanan, dahil wala itong maibubunga; huwag mong itutuon ang iyong puso sa mga ito.
Jeremiah 9:14Ito ay dahil namuhay sila sa pamamagitan ng kanilang mga matitigas na puso at sa pagsunod sa mga Baal tulad ng itinuro sa kanila ng kanilang mga ama na gagawin nila.
Jeremiah 44:17Sapagkat tiyak na gagawin namin ang lahat ng mga bagay na aming sinabi na gagawin: magsusunog kami ng insenso sa Reyna ng Langit at magbubuhos ng mga handog na inumin sa kaniya, na gaya ng ginawa namin, ng aming mga ninuno, ng aming mga hari at ng aming mga pinuno sa mga lungsod ng Juda at sa mga lansangan sa Jerusalem. At mapupuno tayo ng mga pagkain at sasagana, na hindi dadanas ng anumang sakuna.
Amos 2:4Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Dahil sa tatlong kasalanan ng Juda, kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan, dahil hindi nila sinunod ang kautusan ni Yahweh at hindi iningatan ang kaniyang mga palatuntunan. Ang kanilang kasinungalingan ang naging sanhi ng kanilang pagkakasala, katulad ng tinahak ng kanilang mga ama.
Matthew 15:2“Bakit nilalabag ng iyong mga alagad ang mga kaugalian ng mga nakatatanda? Sapagkat hindi nila hinuhugasan ang kanilang mga kamay kapag sila ay kakain.”