1 Pedro 3:15
Sa halip, ibukod-tangi niyo ang Panginoong Cristo sa inyong mga puso bilang banal. Lagi kayong maging handa na sagutin ang bawat nagtatanong sa inyo kung bakit mayroon kayong pagtitiwala sa Diyos. Gawin ninyo ito nang may kahinahunan at paggalang.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 20:12Pagkatapos sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Dahil hindi kayo nagtiwala sa akin o inilaan ako na maging banal sa mga mata ng mga tao ng Israel, hindi ninyo madadala ang kapulungang ito sa lupain na ibinibigay ko sa kanila.”
1 Samuel 12:7Kaya ngayon, ihandog ang inyong mga sarili, upang maaari akong makiusap kasama ninyo sa harapan ni Yahweh tungkol sa lahat ng mga makatarungang gawain ni Yahweh, na ginawa niya sa inyo at sa inyong mga ama.
Isaiah 1:18“Halika at pag-usapan natin ito,” sabi ni Yahweh; “bagaman ang mga kasalanan ninyo ay tulad ng iskarlata, magiging kasing-puti ng bulak ang mga ito; bagaman pula sila tulad ng krimson, magiging tulad sila ng lana.
Isaiah 29:23Pero kapag nakita niya ang kanyang mga anak, na gawa ng aking mga kamay, gagawin nilang banal ang aking pangalan. Gagawin nilang banal ang pangalan ng Banal ni Jacob at hahanga sila sa Diyos ng Israel.
Jeremiah 26:12Kaya nagsalita si Jeremias sa lahat ng opisyal at sa lahat ng tao at sinabi, “Isinugo ako ni Yahweh upang magpahayag laban sa tahanan at sa lungsod na ito upang sabihin sa inyo ang lahat ng mga salita na inyong narinig.
Amos 7:14Pagkatapos sinabi ni Amos kay Amazias, “Hindi ako isang propeta o anak ng isang propeta. Isa akong pastol, at ako ang nangangalaga sa mga puno ng sikamoro.