1 Pedro 4:17
Sapagkat panahon na para ang paghuhukom ay magsimula sa sambahayan ng Diyos. At kung magsisimula ito sa atin, ano pa ang kalalabasan para sa mga hindi sumusunod sa ebanghelyo ng Diyos?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 25:29Sapagkat tingnan ninyo, magpapadala ako ng sakuna sa lungsod na tatawag sa aking pangalan, at dapat ba na hindi kayo kasama sa kaparusahan? Hindi kayo magiging malaya, sapagkat tatawag ako ng isang espada laban sa lahat ng naninirahan sa lupain! —Ito ang pahayag ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo.'
Ezekiel 9:6maski alin sa matatanda, binata, dalaga, maliliit na mga bata o kababaihan. Patayin ninyo silang lahat! Ngunit huwag ninyong lapitan ang sinumang lalaki na may palatandaan sa kaniyang ulo. Magsimula kayo sa aking santuwaryo!” Kaya sinimulan nila sa matatandang lalaki na nasa harap ng bahay.
Malachi 3:5“Pagkatapos lalapit ako sa inyo para sa paghahatol. Magiging isa akong mabilis na saksi laban sa mga manghuhula, sa mga mangangalunya, sa mga hindi totoong saksi, at laban sa mga nang-aapi sa mga inuupahang manggagawa sa kaniyang sahod, sila na nang-aapi sa mga balo at sa mga ulila, at naglalayo sa mga dayuhan sa kanilang mga karapatan, at laban sa mga taong hindi ako pinararangalan,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
Matthew 11:20At sinimulang sawayin ni Jesus ang mga lungsod kung saan nangyari ang karamihan sa mga makapangyarihan niyang gawa dahil sila ay hindi nagsisi.
Luke 12:47Ang lingkod na iyon, na alam ang kalooban ng kaniyang panginoon at hindi naging handa o ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, ay mabubugbog nang madami.
Romans 2:9Magdadala ang Diyos ng pagdurusa at paghihirap sa bawat kaluluwa ng taong gumagawa ng masama, una sa mga Judio at gayon din sa mga Griyego.