1 Samuel 11:7
Kumuha siya ng magkasingkaw na lalaking baka at pinagpira-piraso ang mga iyon. Pinadala niya ang mga iyon sa mga sugo sa buong nasasakupan ng Israel. Sinabi niya, “Sinuman ang hindi lumabas kasunod ni Saul at kasunod ni Samuel, ito ang gagawin sa kanyang lalaking baka. Dumating sa mga tao ang takot kay Yahweh at lumabas silang magkakasama bilang isang lalaki.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 35:5Habang naglalakbay sila, ginawa ng Diyos na masindak ang mga siyudad na nakapaligid sa kanila, kaya hindi hinabol ng mga taong iyon ang mga anak ni Jacob.
Judges 20:1Pagkatapos lumabas ang lahat ng mga tao ng Israel bilang iisang tao, mula Dan hanggang Beer-seba, kasama rin ang lupain ng Galaad, at nagtipon sila ng magkakasama sa harapan ni Yahweh sa Mizpa.
2 Chronicles 14:14Winasak ng hukbo ang lahat ng nayon sa paligid ng Gerar, dahil natakot ang lahat ng naninirahan doon kay Yahweh. Sinamsam ng hukbo ang lahat ng nayon at marami silang nakuhang mahahalagang bagay.
2 Chronicles 19:7At ngayon, hayaan ninyong ang takot kay Yahweh ang sumainyo. Maging maingat kapag kayo ay hahatol, sapagkat walang kawalan ng katarungan kay Yahweh na ating Diyos, ni walang pinapanigan o pagtanggap ng suhol.”