1 Samuel 13:4
Narinig ng buong Israel na tinalo ni Saul ang kuta ng mga Filisteo, at naging isang bulok na amoy din ang Israel sa mga Filisteo. Pagkatapos sama-samang pinatawag ang mga sundalo upang sumama kay Saul sa Gilgal.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 34:30Sinabi ni Jacob kay Simeon at Levi, “Nagdala kayo ng gulo sa akin upang bumaho ako sa mga naninirahan sa lupain, sa mga Cananeo at mga Perezeo. Kakaunti na lamang ang aking bilang. Kung iipunin nila ang kanilang mga sarili laban sa akin at lulusubin ako, malilipol ako, ako at ang aking sambahayan.
Exodus 5:21Sinabi nila kina Moises at Aaron, “Nawa tingnan kayo ni Yahweh at paparusahan kayo, dahil ginawa ninyo kaming maging hindi kanais-nais sa paningin ni Paraon at sa kaniyang mga lingkod. Inilagay ninyo ang espada sa kanilang kamay para patayin kami.”
1 Samuel 10:8Mauna ka sa aking bumaba sa Gilgal. Pagkatapos bababa ako sa iyo para maghandog ng mga sinunog na handog at mag-alay ng mga handog pangkapayapaan. Maghintay ng pitong araw hanggang sa dumating ako at ipakita sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.”
1 Samuel 27:12Naniwala si Aquis kay David, sinasabing, “Ginawa niyang lubos na mapoot ang bayan ng Israel sa kanya, samakatuwid magiging lingkod ko siya magpakailanman.”
Zechariah 11:8Pinatay ko ang tatlong pastol sa loob ng isang buwan, at napagod na ako sa mga may-ari ng tupa, sapagkat kinasuklaman din nila ako.