1 Samuel 14:47
Nang masakop nga ni Saul ang kaharian sa Israel, ay bumaka siya laban sa lahat niyang mga kaaway sa bawa't dako, laban sa Moab, at laban sa mga anak ni Ammon, at laban sa Edom, at laban sa mga hari sa Soba, at laban sa mga Filisteo: at saan man siya pumihit ay kaniyang binabagabag sila.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 19:37At nanganak ang panganay ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang ngalang Moab: na siya ngang ama ng mga Moabita, hanggang sa araw na ito.
Genesis 36:1Ito nga ang mga lahi ni Esau (na siyang Edom).
Genesis 36:19Ito ang mga anak ni Esau, at ito ang kanilang mga pangulo: na siyang Edom.
1 Samuel 11:11At naging gayon sa kinabukasan, na inilagay ni Saul ang bayan ng tatlong pulutong; at sila'y pumasok sa gitna ng kampamento sa pagbabantay sa kinaumagahan at sinaktan ang mga Ammonita hanggang sa kainitan ng araw: at nangyari, na ang mga nalabi ay nangalat, na anopa't walang naiwang dalawang magkasama.
1 Samuel 13:1Si Saul ay may (apat na pung) taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang taon sa Israel.
2 Samuel 1:22Sa dugo ng pinatay, sa taba ng makapangyarihan, Ang busog ni Jonathan ay hindi umurong, At ang tabak ni Saul ay hindi nagbalik na walang dala.