1 Samuel 16:3
Tawagin mo si Jesse para mag-alay, at ipapakita ko sa iyo kung ano ang iyong gagawin. Bubuhusan mo ng langis para sa akin ang isa na sasabihin ko sa iyo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 4:15Makikipag-usap ka sa kaniya at ilalagay mo sa kaniyang bibig ang mga salita na dapat sabihin. Ako ay mapapasa iyong bibig at sa kaniyang bibig, at ipapakita ko sa inyo kung ano ang gagawin.
Deuteronomy 17:15pagkatapos dapat ninyong tiyakin na magtakda bilang isang hari para sa inyong sarili, isang tao na siyang pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos. Dapat kayong magtakda ng isang hari para sa inyong sarili, isang tao na mula sa inyong mga kapatid. Nawa'y hindi ka magtakda ng isang dayuhan, na hindi ninyo kapatid, para sa inyong sarili.
1 Samuel 9:16“Bukas sa mga ganitong oras ipapadala ko sa iyo ang isang lalaki mula sa lupain ng Benjamin, at papahiran mo siya ng langis para maging prinsipe ng aking bayang Israel. Ililigtas niya ang bayan ko mula sa kamay ng mga Filisteo. Dahil naawa ako sa aking bayan sapagkat nakarating sa akin ang paghinigi nila ng tulong sa akin.”
2 Samuel 15:11Kasama ni Absalom na pumunta ang dalawang-daang kalalakihang mula sa Jerusalem, na kaniyang inanyayahan. Pumunta sila nang walang kamalayan, walang nalalaman sa anumang bagay na binalak ni Absalom.
Acts 9:6ngunit bumangon ka, pumasok ka sa lungsod, at sasabihin saiyo kung ano ang dapat mong gawin.”