The Bible Software
bible.software › 1 Samuel › 1 Samuel 16 › 1 Samuel 16:4

1 Samuel 16:4

Ginawa ni Samuel ang sinabi ni Yahweh at pumunta sa Bethlehem. Nanginginig ang mga nakakatanda ng lungsod habang sinasalubong siya at sinabi, “Pumarito ka ba para sa kapayapaan?”

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And Samuel did that which the LORD spake, and came to Bethlehem. And the elders of the town trembled at his coming, and said, Comest thou peaceably?

In Context

3Tawagin mo si Jesse para mag-alay, at ipapakita ko sa iyo kung ano ang iyong gagawin. Bubuhusan mo ng langis para sa akin ang isa na sasabihin ko sa iyo.”

5Sinabi niya, “Sa kapayapaan; naparito ako upang mag-alay kay Yahweh. Italaga ang iyong sarili kay Yahweh para sa alay at sumama kayo sa akin.” At itinalaga niya si Jesse at ang kanyang mga anak na lalaki kay Yahweh, at pagkatapos tinawag niya sila sa pag-aalay.

Read all of 1 Samuel 16

Cross References

Genesis 48:7Pero para sa akin, nang dumating ako mula sa Paddan, sa aking kalungkutan namatay si Raquel sa lupain ng Canaan sa daan nang ako ay pabalik, habang may kaunting kalayuan pa papunta sa Efrata. Inilibing ko siya roon sa daanan patungo sa Efrata (ito ay Bethlehem).”

2 Samuel 6:9Sa araw na iyon natakot si David kay Yahweh. Sinabi niya, “Paano mapupunta sa akin ang kaban ni Yahweh?”

1 Kings 17:18Kaya sinabi ng kaniyang ina, “Ano ba ang dinala mo laban sa akin, lingkod ng Diyos? Pumunta ka ba rito para ipaalala ang aking kasalanan at patayin ang aking anak?”

1 Chronicles 12:17Lumabas si David upang salubungin sila at sinabi niya: “Kung pumunta kayo na may kapayapaan upang tulungan ako, maaari kayong sumama sa akin. Subalit kung kayo ay pumarito upang ipagkanulo ako sa aking mga kalaban, sawayin nawa kayo ng Diyos ng ating mga ninuno, sapagkat wala akong ginawang mali.”

Hosea 6:5Kaya pinutol ko sila ng pira-piraso sa pamamagitan ng mga propeta, pinatay ko sila ng mga salita ng aking mga bibig. Ang iyong utos ay tulad ng ilaw na nagliliwanag.

Luke 2:4Si Jose ay umalis din mula sa lungsod ng Nazaret sa Galilea at naglakbay papunta sa Betlehem na bayan ng Judea na kilala bilang lungsod ni David, dahil siya ay kaapu-apuhan mula sa pamilya ni David.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study 1 Samuel 16:4

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← 1 Samuel 16:31 Samuel 161 Samuel 16:5 →