1 Samuel 17:13
Sumunod ang tatlong anak ni Jesse kay Saul sa pakikipaglaban. Ang pangalan ng tatlong anak niyang lalaki na sumama sa labanan ay sina Eliab ang panganay, pangalawa sa kanya si Abinadab, at ang pangatlo ay si Shamma.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
14Si David ang bunso. Sumunod kay Saul ang tatlong pinakamatanda.
Cross References
1 Samuel 16:8Pagkatapos tinawag ni Jesse si Abinadab at pinaraan sa harapan ni Samuel. At sinabi ni Samuel, “Hindi rin siya ang pinili ni Yahweh.”
1 Samuel 17:28Narinig ng kanyang pinakamatandang kapatid na si Eliab nang nakipag-usap siya sa mga kalalakihan. Nag-alab ang galit ni Eliab laban kay David, at sinabi niya, “Bakit ka pumunta dito? Kanino mo iniwan ang ilang tupa na nasa desyerto? Alam ko ang iyong pagmamataas, at ang katusuhan sa iyong puso; dahil pumunta ka dito upang makita mo ang labanan.”
2 Samuel 13:32Sumagot at sinabi ni Jehonadab anak na lalaki ni Simea, kapatid na lalaki ni David, “Huwag hayaan maniwala ang aking amo na pinatay nila ang lahat ng binatang anak ng hari, dahil si Amnon lamang ang namatay. Binalak ito ni Absalom mula sa araw na nilapastangan ni Amnon ang kaniyang kapatid na babaeng si Tamar.
1 Chronicles 2:13Si Jesse ang ama ng panganay niyang anak na si Eliab, si Abinadab ang pangalawa, si Simea ang pangatlo,