1 Samuel 17:50
Sa gayo'y nanaig si David sa Filisteo sa pamamagitan ng isang panghilagpos at ng isang bato, at sinaktan ang Filisteo at pinatay niya siya; nguni't walang tabak sa kamay ni David.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 3:31At pagkatapos niya'y si Samgar, na anak ni Anat, ay siyang nanakit sa mga Filisteo, ng anim na raang lalake, sa pamamagitan ng panundot sa baka: at kaniya ring iniligtas ang Israel.
1 Samuel 13:22Sa gayo'y nangyari, na sa araw ng pagbabaka, ay wala kahit tabak o sibat mang masumpungan sa kamay ng sinoman sa bayan na kasama ni Saul at ni Jonathan: kundi si Saul at si Jonathan na kaniyang anak ang kinasumpungan lamang.
1 Samuel 21:9At sinabi ng saserdote, Ang tabak ni Goliath na Filisteo, na iyong pinatay sa libis ng Ela, narito, nabibilot sa isang kayo na nasa likod ng epod: kung iyong kukunin yaon, kunin mo: sapagka't walang iba rito liban yaon. At sinabi ni David, Walang ibang gaya niyaon; ibigay mo sa akin.