1 Samuel 2:25
“Kung magkakasala ang isang tao laban sa iba, hahatulan siya ng Diyos; ngunit kung magkakasala ang isang tao laban kay Yahweh, sino ang magsasalita para sa kanya?” Ngunit ayaw nilang makinig sa boses ng kanilang ama, dahil nilalayon ni Yahweh na patayin sila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
26Lumaki ang batang si Samuel, at kinalugdan ni Yahweh at ng mga kalalakihan.
Cross References
Genesis 38:10Ang ginawa niya ay naging masama sa paningin ni Yahweh. Pinatay din siya ni Yahweh.
Deuteronomy 1:17Hindi kayo magpapakita ng pagtatangi sa sinumang nasa isang pagtatalo, maririnig ninyo ng magkatulad ang maliit at malaking bagay. Hindi dapat kayo matakot sa mukha ng tao, dahil ang kahatulan ay sa Diyos. Ang pagtatalo na sobrang mahirap para sa inyo, dadalhin ninyo ito sa akin at pakikinggan ko ito.'
Deuteronomy 17:8Kung magkaroon ng napakahirap na bagay sa iyo sa paghatol—marahil ang isang katanungan ng pagpatay o aksidenteng kamatayan, ng karapatan ng isang tao at karapatan ng ibang tao o isang natatanging katanungan na masakit na nagawa o ibang uri ng bagay—mga bagay na pagtatalo sa loob ng tarangkahan ng inyong mga lungsod, pagkatapos dapat kayong umakyat doon sa lugar na pinili ni Yahweh na inyong Diyos bilang kaniyang santuwaryo.
Joshua 11:20Dahil si Yahweh ang nagpatigas sa kanilang mga puso para sila ay pumunta at makipaglaban sa Israel, kaya ganap niyang winasak sila, at hindi nagpapakita ng awa sa kanila, gaya sa itinuro niya kay Moises.
1 Kings 8:31Kung may taong nagkasala sa kaniyang kapit-bahay at kailangang manumpa, at kung siya ay dumating at sumumpa sa harap ng iyong dambana sa tahanang ito,
2 Chronicles 10:15Hindi nakinig ang hari sa mga tao, sapagkat ito ang isang pangyayaring pinahintulutan ng Diyos, upang matupad ni Yahweh ang kaniyang salita na sinabi niya sa pamamagitan ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nebat.