1 Samuel 20:26
Gayon ma'y hindi nagsalita si Saul ng anoman sa araw na yaon: sapagka't kaniyang inisip: May bagay na nangyari sa kaniya, siya'y hindi malinis; tunay na siya'y hindi malinis.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 11:24At sa mga ito ay magiging karumaldumal kayo: sinomang humipo ng bangkay ng mga iyan ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon:
Leviticus 11:31Ang mga ito'y karumaldumal sa inyo sa lahat ng umuusad: sinomang mangakahipo sa mga iyan pagka ang mga iyan ay patay, ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon.
Leviticus 15:5At sinomang tao na makahipo ng kaniyang higaan ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.
Leviticus 15:19At kung ang babae ay agasan na ang umaagas sa kaniyang laman ay dugo, ay mapapasa kaniyang karumihan siyang pitong araw: at lahat ng humipo sa kaniya ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon.
1 Samuel 16:5At kaniyang sinabi, May kapayapaan: ako'y naparito upang maghain sa Panginoon: magpakabanal kayo at sumama kayo sa akin sa paghahain. At pinapagbanal niya si Isai at ang kaniyang mga anak, at tinawag niya sila sa paghahain.