1 Samuel 20:8
Kaya makitungo ka ng may kabutihan sa iyong lingkod sa tipan ni Yahweh sa iyo. Pero kung may kasalanan ka sa akin, ikaw mismo ang pumatay sa akin; sapagkat bakit mo naman ako dadalhin sa iyong ama?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 24:49Kaya ngayon, kung handa kayong pakitunguhan ang aking amo ng pampamilyang katapatan at pagtitiwala, sabihin ninyo sa akin. Ngunit kung hindi, sabihin ninyo sa akin, upang lumiko ako sa kanang kamay, o sa kaliwa.”
Joshua 2:14Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, “Buhay namin para sa inyong buhay, kahit hanggang kamatayan! Kung hindi mo sasabihin ang aming pakay, kaya, kapag ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito magiging mahabagin kami at matapat sa iyo.”
Ruth 1:8Sinabi ni Naomi sa kaniyang dalawang manugang na babae, “Lumakad, bumalik, kayo bawat isa sa inyo, sa bahay ng inyong ina. Nawa ipakita ni Yahweh ang kabaitan sa inyo, tulad ng pagpapakita ninyo ng katapatan sa namatay at sa akin.
1 Samuel 18:3Pagkatapos gumawa ng pakikipagkaibigang kasunduan sina Jonatan at David dahil minahal siya ni Jonatan na parang kanyang sariling kaluluwa.
1 Samuel 23:18Gumawa sila ng isang kasunduan sa harap ni Yahweh. Nanatili si David sa Hores, at umuwi si Jonatan sa kanyang tahanan.
1 Chronicles 12:17Lumabas si David upang salubungin sila at sinabi niya: “Kung pumunta kayo na may kapayapaan upang tulungan ako, maaari kayong sumama sa akin. Subalit kung kayo ay pumarito upang ipagkanulo ako sa aking mga kalaban, sawayin nawa kayo ng Diyos ng ating mga ninuno, sapagkat wala akong ginawang mali.”