1 Samuel 22:8
kapalit ninyong lahat na nagbabalak ng masama laban sa akin? Wala sa inyo ang nagbalita sa akin nang gumawa ng tipan ang anak kong lalaki sa anak na lalaki ni Jesse. Wala sa inyo ang nalulungkot para sa akin. Wala sa inyo ang nagbalita sa akin na inudyukan ng aking anak ang aking lingkod na si David laban sa akin. Ngayon nagtatago siya at naghihintay para sa akin para masalakay niya ako.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 18:3Pagkatapos gumawa ng pakikipagkaibigang kasunduan sina Jonatan at David dahil minahal siya ni Jonatan na parang kanyang sariling kaluluwa.
1 Samuel 20:8Kaya makitungo ka ng may kabutihan sa iyong lingkod sa tipan ni Yahweh sa iyo. Pero kung may kasalanan ka sa akin, ikaw mismo ang pumatay sa akin; sapagkat bakit mo naman ako dadalhin sa iyong ama?”
1 Samuel 20:30Pagkatapos nag-alab ang galit ni Saul laban kay Jonatan at sinabi niya sa kanya, “Ikaw na anak ng isang tampalasan, suwail na babae! Hindi ko ba alam na pinili mo ang anak na lalaki ni Jesse sa sarili mong kahihiyan at sa kahihiyan ng kahubaran ng iyong ina?
1 Samuel 23:16Sa gayon bumangon at pinuntahan ni Jonatan na anak na lalaki ni Saul si David sa Hores, at pinalakas ang kanyang kamay sa Diyos.
2 Kings 6:11Gulong-gulo ang isip ng hari ng Aram dahil sa babalang ito, at tinawag niya ang kaniyang mga lingkod at sinabi sa kanila, “Wala ba sa inyo ang magsasabi kung sino sa inyo ang pumapanig sa hari ng Israel?”