1 Samuel 23:4
Pagkatapos nanalangin pang muli si David kay Yahweh para sa tulong. Sinagot siya ni Yahweh, “Tumayo ka, bumaba ka sa Keila. Dahil bibigyan kita ng tagumpay laban sa mga Filisteo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 6:39Pagkatapos sinabi ni Gideon sa Diyos, “Huwag kang magalit sa akin, magsasalita ako ng isa pang beses. Pakiusap pahintulutan mo ako ng isa pang pagsubok gamit ang balahibo ng tupa. Sa pagkakataong ito gawing tuyo ang balahibo ng tupa, at hayaang mayroong hamog sa lahat ng lupa sa palibot nito.”
Judges 7:9Sa parehong gabing iyon sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Bangon! Lusubin ang kampo, dahil ibibigay ko sa iyo ang tagumpay laban dito.
1 Samuel 28:6Nanalangin si Saul kay Yahweh para tulungan siya, ngunit hindi sumagot sa kanya si Yahweh—maging sa panaginip, ni sa pamamagitan ng Urim, ni sa pamamagitan ng mga propeta.
2 Samuel 5:19Pagkatapos humingi si David ng tulong mula kay Yahweh. Sinabi niya, “Kailangan ko bang salakayin ang Filisteo? Bibigyan mo ba ako ng tagumpay laban sa kanila?” Sinabi ni Yahweh kay David, “Salakayin mo, dahil siguradong bibigyan kita ng tagumpay laban sa Filisteo.”
1 Chronicles 14:10Pagkatapos, humingi si David ng tulong mula sa Diyos. Sinabi niya, “Dapat ko bang lusubin ang mga Filisteo? Pagtatagumpayin mo ba ako laban sa kanila?” Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Lusubin mo sila, sapagkat tiyak na ibibigay ko sila sa iyo.”