1 Samuel 28:8
Ikinubli ni Saul ang kanyang sarili, nagsuot ng ibang kasuotan, at pumunta siya kasama ang dalawang tauhan; pinuntahan nila ang babae sa gabi. Sinabi niya, “Manghula ka para sa akin, nagmamakaawa ako sa iyo sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa patay, at dalhin sa akin ang sinumang pangangalanan ko sa iyo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 18:10Walang dapat na makitang isa sa inyo na ginagawang padaanin ang kaniyang anak na lalaki o kaniyang anak na babae sa apoy, sinumang gumagawa ng panghuhula, sinumang nagsasanay ng hula, o alinmang mang-aakit, o alinmang mangkukulam,
1 Kings 22:30Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Magbabalatkayo ako at pupunta sa isang labanan, pero isuot mo ang iyong pangharing kasuotan.” Kaya nagbalatkayo ang hari at nagpunta sa labanan.
1 Chronicles 10:13Namatay si Saul dahil hindi siya naging tapat kay Yahweh. Hindi siya sumunod sa mga tagubilin ni Yahweh, sa halip, humingi siya ng payo sa taong nakikipag-usap sa patay.
2 Chronicles 35:22Gayun pa man, ayaw tumalikod ni Josias sa kaniya. Nagbalatkayo siya upang makipaglaban sa kaniya. Hindi siya nakinig sa mga salita ni Neco na nagmula sa bibig ng Diyos, kaya pumunta siya upang makipaglaban sa lambak ng Megido.
Isaiah 8:19Sasabihan ka nila, “Kumunsulta ka sa mga manghuhula at mga salamangkero,” silang mga nagsasambit at bumubulong ng mga dasal. Pero hindi ba dapat sa Diyos kumukunsulta ang mga tao? Mas nararapat bang konsultahin nila ang patay para sa mga nabubuhay?
John 3:19Ito ang dahilan sa paghahatol, na ang ilaw ay dumating sa mundo, at minahal ng mga tao ang dilim kaysa ang liwanag dahil masama ang kanilang mga naging gawa.