1 Samuel 31:2
Tinugis ng malapitan ng mga Filisteo si Saul at ang kanyang anak na mga lalaki. Napatay ng mga Filisteo si Jonatan, Abinadab, at Malquisua, at ang kanyang mga anak na lalaki.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:5Huwag dapat kayong yuyukod sa kanila o sambahin sila, dahil Ako, si Yahweh na inyong Diyos, ay selosong Diyos. Paparusahan ko ang kasamaan ng mga ninuno sa pamamagitan ng pagpapadala ng kaparusahan sa mga kaapu-apuhan, patungo sa ikatlo at ikaapat na salinlahi sa mga galit sa akin.
1 Samuel 13:16Si Saul, kanyang anak na lalaking si Jonatan, at ang mga tao na naroon kasama nila, ay nanatili sa Geba ng Benjamin. Subalit nagkampo ang mga Filisteo sa Micmas.
1 Samuel 14:22Nang tinago ng lahat ng kalalakihan ng Israel ang kanilang sarili sa mga burol malapit sa Efraim narinig nila na tumatakas ang mga Filisteo, kahit na hinabol sa nila sila sa labanan.
1 Samuel 18:1Nang matapos siyang makipag-usap kay Saul, ibinigkis ang kaluluwa ni Jonatan sa kaluluwa ni David, at minahal ni Jonatan si David bilang kanyang sariling kaluluwa.
2 Samuel 1:6Sumagot ang binata, “Nagkataon na naroon ako sa Bundok Gilboa, at doon nakasandal siya sa kaniyang sibat, at ang mga karwaheng pandigma at ang mga nangangabayo ay halos malapit na sa kaniya.
1 Chronicles 8:33Si Ner ang ama ni Kish na ama ni Saul. Si Saul ang ama nina Jonatan, Melquisua, Abinadab at Esbaal.